FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.

Join the forum, it's quick and easy

FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.
FORCE Mig33 Community
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Sino Ba Ang Dapat Sisihin

4 posters

Go down

Sino Ba Ang Dapat Sisihin Empty Sino Ba Ang Dapat Sisihin

Post by cesky_efx Sun Mar 14, 2010 1:53 am

Isang araw, napagdesisyunan ni ‘PAA’ na mamasyal at maglakadlakad sa park. Niyaya niya si ‘KAMAY’ subalit meron pa itong kelangang gawin kaya naman lumakad nalang siyang magisa.. habang nasa daan ay nakasalubong niya si ‘UTAK’ na parang may malalim na iniisip.
“Oy UTAK!” tawag niya. “Parang ang lalim ng iniisip mo ah.. Kamuzta?” sabay lapit kay utak. Si UTAK naman na mejo nagulat ay pinilit magbigay ng ngiti sa kaibigan. “Hindi ko kasi maintindihan si PUSO” sagot nito.
“si PUSO?” tanong sagot ni PAA na parang hindi din naman nabigla sa problema ni UTAK. “bakit? Magkaaway nanaman ba kayo?” “kelan ba hindi..” sagot naman ni UTAK na talagang nagdadamdam. “ang gusto ko lang naman ay wag siyang masaktan”
“UTAK, wag mo ng problemahin si PUSO, dahil siya ay nakatakda talagang masaktan.. magliwaliw na lang tayo! Masarap maglakad dun sa damuhan”
“kaya nga nandito ako para pigilan ang nakatakda. Yun ang trabaho ko.. kelangan kung isipin lahat ng makakabuti para sa inyong lahat. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mas pinipili ni PUSO na samahan sina TENGA at MATA”
“simple lang yan utak.. si TENGA, pinapakinggan ang tinitibok ni puso. At si MATA naman nakikita niya ang mga bagay na makakapagpasaya dito.. oh diba, ang galing kung magisip! Para na rin akong UTAK!! Hahaha…”
“pero hindi lahat ng nakikita ni MATA ay totoo at hindi lahat ng totoo ay nakikita niya.. Si tenga, oras na nagsama sila ni PUSO, pinapakinggan nalang niya lahat ng gusto niyang marinig.. yun ang dahilan kung bakit may konsepto ng pagiging bulag at pagiging bingi. ”
“wow UTAK! Ang galing mo talagang magisip.. oo nga noh.. di ko yun naisip talaga.. ang alam ko lang ata ay humakbang! Hayaan mo na.. isipin mo nalang si PUSO, tulad ko ay wala ring kakayahang magisip. Hindi niya kayang gawin ang mga bagay na nagagawa mo”
“ sabagay…” malungkot si UTAK na tinanggap ang sinabi ni PAA.
“samahan mo nalang ako.. punta tayo dun…”
At umalis na nga ang dalawa… sa kanilang pamamasyal ay narinig nila ang isang pamilyar na boses, sumisigaw ito at may tinatawag. Hanggang sa natanaw na nga nila si BIBIG.
“BIBIG! Kamusta…. Nandyan ka pala,” bati ni PAA.
“oo! Kanina pa ko dito.. kanina ko pa hinahanap sina TENGA. Kasama niya ngayon si PUSO. Hinanap naman nila si MATA. Basang basa ito ngayon dahil sa mga luha.” Ani bibig.
“Bakit? Siguro kagagawan na naman ito ni puso…” sabat ni UTAK.
“Hindi ko alam.. tara hanapin natin sila” sabi ni bibig.
Habang naglalakad ang tatlo.. ay bigla nilang naramdaman ang isang pamilyar na tibok.
“nararamdaman ko na si puso” ani PAA. “siguro nandito lang sila.”
At hindi nga nagkamali si PAA. Dahil naroroon nga sina TENGA, MATA na basang basa sa luha at syempre, si PUSO.
Lumapit si utak kay MATA. “ MATA, anong ngyari?”
Sumagot si MATA. “hindi ko na kaya.. sobrang nasasaktan na si PUSO.”
Tumingin si UTAK kay PUSO. At alam na ni PUSO kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na ito.
“alam kung pagagalitan mo nanaman ako UTAK.” Nakayukong banggit ni PUSO.
“hindi ko na gagawin yun.. pero sana.. makialam ka naman sa ming lahat… pag nasasaktan ka lahat kami nadadamay.” Paglalabas sama ng loob ni UTAK. Habang ang iba ay nakamasid lang… “Ayan! Si MATA, umiiyak nanaman. Si TIYAN.. laging sumasakit dahil hindi nakakakain pag nasasaktan ka. Si ATAY, nalalason na sa alcohol.. kaming lahat apektado..”
“Oo nga!” ani paa. “wala ka ng dinulot ditto samin kundi puro kasakitan. Pag nasasaktan ka.. nahihirapan kami ni kamay, nahihirapan kaming gawin yung mga bagay na dapat naming gawin.”
“tama yun” sabat naman ni TENGA. “Sawang sawa na kami ni mata sa pagalalay sayo!”
“sana naman isipin mo din kami!! ” Sigaw naman ni utak.
“Pero hindi nga ako marunong magisip!” ani ni PUSO. Lalong naiiyak si MATA. “alam kung ako ang pinakabobo ditto. Ako din ang pinakawalang kwenta. Kayo, kaya niyong magpatuloy bastat kasama niyo ang isat isa dahil nakatakda kayo para dumipende sa isat isa. Ako hindi ako pwedeng dumipende kay UTAK dahil pag ginawa ko yun masasaktan ako. Pero wala din akong magagawa... Hindi niyo ko naiintindihan dahil hindi naman kayo ang nagmamahal at hindi din kayo ang nasasaktan!!”. Paglalabas ng sama ng loob ni puso. “kung naapektuhan kayo lalo na ako! Palibhasa.. duwag kayo.. lalo ka na UTAK!”
“ako duwag” natigilan na si UTAK.
“duwag ka ngang masaktan ako.. pero bakit di mo maisip? Na kasalanan mo naman talaga toh.. kung pinili mong makalimot.. hindi na ko masasaktan! Bakit ba kasi ayaw mo siyang kalimutan!!..”
cesky_efx
cesky_efx
Flash member ll
Flash member ll

Mig33 ID : cesky_efx
Location : Philippines
Mood : Sino Ba Ang Dapat Sisihin Th_hap10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sino Ba Ang Dapat Sisihin Empty Re: Sino Ba Ang Dapat Sisihin

Post by pr3ty87_force Sun May 16, 2010 11:45 am

W0w ang ganda naman hehe! Nag enj0y akong basahin...tnx
pr3ty87_force
pr3ty87_force
Mega member
Mega member

Mig33 ID : pr3ty_woman_87
Location : Riyadh olaya exit 10
Mood : Sino Ba Ang Dapat Sisihin Whoo10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sino Ba Ang Dapat Sisihin Empty Re: Sino Ba Ang Dapat Sisihin

Post by re3mds3xynoty_force Mon May 17, 2010 9:49 am

wala akong naintindihan ang ingay kc nang katabi ko hahaha,naghihilik read ko sna pa ulit kaso tnamad na aq hava nang kwentooooooooooooooooo lol! banana
re3mds3xynoty_force
re3mds3xynoty_force
Mega Member Elite
Mega Member Elite

Mig33 ID : naughty_sexy09_force,n4ughty-_-s3xy.09
Location : sydney australia
Mood : Sino Ba Ang Dapat Sisihin Th_hap10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sino Ba Ang Dapat Sisihin Empty Re: Sino Ba Ang Dapat Sisihin

Post by yhemma_04 Thu Jul 01, 2010 5:49 pm

ang ganda ng concept ng kwento.....well cnu b sisisihin ko...teka mukhang ung utak....dapat kc kalimutan na..ang nangyari ay nangyari na..move on kung baga...at lahat ng yan ay nakadepende kay UTAK...heheheh ang sya nagenjoy din ako basahin....

yhemma_04
Regular ll
Regular ll

Mig33 ID : yhemma_04
Location : philippines
Mood : Sino Ba Ang Dapat Sisihin Th_hap10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sino Ba Ang Dapat Sisihin Empty Re: Sino Ba Ang Dapat Sisihin

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum