FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.

Join the forum, it's quick and easy

FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.
FORCE Mig33 Community
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

para sa mga amang OFW

4 posters

Go down

para sa mga amang OFW Empty para sa mga amang OFW

Post by papa_cologne Mon Jul 19, 2010 9:59 pm

KAILAN AT PAANO BA AKO NAGING AMA? MATUTURING BA AKONG ISANG AMA? O ISANG NAG AAMA-AMAHAN?

Kung ang pagbabatayan mo lang ay ang pag bibigay ng apelyido, pag papabinyag at pagsusustento… Tingin ko PASADO ako… pero… yan lang ba ang batayan ng pagiging ama? Iyan ba ang hinanap ko sa aking ama nung maliit pa ako?

Tingin ko.. ay ung pag gabay at pagkalinga ang importante... yung may matatakbuhan sa oras ng pangangailangan... tagapagtanggol at taga payo. Tagapag bawal at tagakunsinte...

Isang malaking tanong.... NAGING AMA NA BA AKO SA ANAK KO?

Sagot... HINDI.. dahil sa hindi ko lubos na nabantayan ang kanyang pag laki... Hindi ko nasubaybayan ang lahat ng magagandang kaganapan sa kanyang buhay... NASAAN BA KASI AKO? NASAAN????

Isang taon at kalahati siya nang maisipan kong mangibang bansa... “Daddy” lang ang alam niyang sambitin noon... “DADDY... DADDY...” Hindi na ako nagpahatid sa kanya dahil sa baka hindi ko mapigilana ng emosyong babalot sa akin noong mga panahon na iyon... Sumapit ang kanyang ika 2 Taong kaarawan.. Wala ako... May bago na siyang salitang nasasambit... “DADDY Pengi Pera... Bili Datas, Pampers at Broom Broom...” haha nakakatuwa... 2 Taon.. nanghihingi na ng kung ano ano…

1 taon matapos ko umalis ng bansa para magtrabaho sa Middle East… excited ako dahil after a year I am back at makakasama ko na ulit ang aking anak.. Sa airport pa lang… una kong nakita ang tatay ko.. bitbit ang supling ko… lilinga linga siya… mistulang naghahanap ng amang isang taong nawalay sa kanya… kitang kita sa mga ngiti ko ang aking pagkasabik… nang magkaharap na kami… isang malaking tanong ang nakita ko sa mga mata niya… “ASAN ANG TATAY KO? SINO KA?”

Nakakabigat ng damdamin… “BON… Daddy mo oh… Dali Hug mo…” (sambit ng tatay ko) “Hindi.. Hindi yan Daddy ko…” (sagot ng anak ko…) Aray… tama ba ito? Samantalang kagabi magkausap pa kmi.. excited siya na magkita kmi sa Airpot.. Hug nya daw ako at ikiss.. tapos Heto… Hindi.. Hindi yan ang daddy ko… ang maririnig ko…

“Bon Halika… ako si Daddy… Dali karga kita...”

“Ayaw.. Hindi Hindi ikaw ang daddy ko… WAAAAAHHHH….”

Isang malakas na iyak with matching luha ang nakuha ko.. nang akmang bubuhatin ko siya.. papunta sa sasakyan.. nauuna silang maglolo ako nasa likod nila... kita ko lilinga linga ang anak ko sa akin.. nagtataka pa din.. “Sino ba ang mamang ito? Sunod ng sunod sa amin?“

Sa kotse nandun ang aking ina.. tuwang tuwa sa aking pagbabalik.. pasakay na ako ng kotse biglang

“Alis ka dyan.. DADDY ko ang uupo dyan“

“Ako ang Daddy mo... Si Daddy Ako“

“HINDE... HINDI NGA IKAW ANG DADDY KO.. ALIS KA.. BABA..“

Susme... ano ba itong naririnig ko.. ganoon na lang ba talaga ako ipagtabuyan ng anak ko? Nakarating kami sa bahay... Naghapunan.. subalit wala... hanggang tingin lang ako sa anak ko.. dahil sa tuwing lalapit ako, ngumangawa ito...

Pahirapan kong sinuyo ang anak ko.. kung ano anong suhol na ang ginamit ko... Bili ng ganito.. Bili ng ganyan... Pasyal dito.. Pasyal dyan... Mas nahirapan akong mapalapit sa kanya nang dumating na ang kanyang ina (parehas kmi noong umalis.. nauna lang ako ng uwi sa kanya) Kilalala naman niya ako sa mukha bago ako umalis muli.. lalapit lang siya sa akin pag may hihingin... pag may pagkain ako at pag naglalaro ako ng PSP... pag nasa kanya na ang mga bagay na hawak ko.. lalayo na siyang muli...

Lumisan ulit akong may kirot sa aking puso… Tama ba ito? Ito nga ba ang gusto ko? Bahala na... Bata pa yun... ako ang may isip.. ako ang magbibigay...

Sa muli kong pag alis… mas naging self centered ako… puros sarili ko na lang ang inintindi ko.. Minsanang Tumawag para mangumusta... Magpapadala lang ako ng Panggastos niya ayos na... Ang akin kasi.. Need kong hanapin ang sarili ko... Isasaayos ko muna ang buhay ko.. baka sakaling mahanap ko siya.. at sa aking muling pag uwi, eh kilalanin na ako ng anak ko… sa Airport pa lang...

Sa paghahanap ko ng sarili ko.. mas lalo yatang lumayo ang loob ng anak ko sa akin... sa bawat Tawag ko, nagaaksaya lang ako ng Load.. ayaw ako kausapin.. busy daw siya... Pag nagyayaya namn mag chat.. ganun din.. antok na daw siya matapos sabihin ang mga bagay na gusto niyang ipabili... ang dami niyang dahilan... iniisip ko tuloy.. MAHAL PA BA AKO NG ANAK KO? Masama bang maghangad ako ng magandang buhay para sa amin? At ito ang sukli ng lahat?

Sinabi ko sa sarili ko... Isasaayos ko ang lahat... Target Date ko eh Ngayong Taon… Mahigit isang taon na nung huling uwi ko… mahigit isang taon na ng huling mahagkan ang anak ko… Hindi ako uuwi ngayong taon nasabi ko na sa sarili ko ito… (hindi sa ayoko talagang umuwi… iniisip ko lang ang kalagayan ko matapos kong magbakasyon… mahirap ang bumalik sa trabaho… tambak ang mga Gawain mo.. tpos isang buwan ka maghihintay ng sahod… sa dami ng bayarin ko, hindi ko kakayanin… kaya sa mga nag aakalang ang mga OFW na umuuwi ng bansa eh maayos ang buhay.. hindi po.. dahil problema nila sa lanilang pagbabalik ang mga naiwan nilang problema sa abroad).. sana sa susunod na taon, sa aking pagbabalik bayan, Maisaayos ko na ang lahat.. Magampanan ko ang totoong tungkulin ko BILANG ISANG AMA... AT sana mahanap ko na ang RESPETONG hinahanap ko sa aking anak… at sa muling pangingibang bansa ko… bitbit ko na siya… BITBIT ko na SIYA….

It takes time… for wounds to heal… hindi ko masisisi ang batang lumaki ng walang magulang… Ngayon pa… na ang Development niya bilang isang Tao ay nagsisimula na….

Sana Sa susunod… ang sasalubong sa akin sa airport ay ang mga katagang ito…

“DADDY… DADDY KO!!!…”
papa_cologne
papa_cologne
SoftLoader
SoftLoader

Mig33 ID : papa_cologne®™
Location : al-kharj,ksa
Mood : para sa mga amang OFW Th_kil10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

para sa mga amang OFW Empty Re: para sa mga amang OFW

Post by hondyx014_force Mon Jul 19, 2010 10:33 pm

It's so sad but it really happen in the real life.Not only financially what they want,but the love and care is the most important specially to the growing kids.yong iba nga mas mahal pa nila ang yaya nila kay sa sarili nilang mga magulang.bro its a nice story.Mga tatay nangyari naba sa inyo yan? Sagot kayo jan....... para sa mga amang OFW Icon_lol
hondyx014_force
hondyx014_force
Mega member VIP
Mega member VIP

Mig33 ID : aryanne_4ever,swity_babe
Location : k.s.a
Mood : para sa mga amang OFW Th_sle10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

para sa mga amang OFW Empty Re: para sa mga amang OFW

Post by camhe22 Tue Jul 20, 2010 2:41 am

kids really needs full guidance if their parents are away from them. as ive read the story it iss quite sad from the part of the father if his kid is acting like that. there must be a full communication, we are living in a modern world we can chat trough webcam to see our love ones.

nice story bro, fathers can get lesson from this story.
camhe22
camhe22
Mig33 Admin
Mig33 Admin

Mig33 ID : camhe22, sussete_force
Location : Philippines/KSA
Mood : para sa mga amang OFW Th_pis10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

para sa mga amang OFW Empty Re: para sa mga amang OFW

Post by simpleme_force Tue Jul 20, 2010 6:23 am

It can really delivers a great lesson to every parent working in abroad. Children must be given an attention so that they can feel the love,caring & comfort to the other half whose guiding the child in our own country.

And now in our modern times,chatting with webcam can help for each the parent & the child for them to always see each other for the child to feel & see that you're always there for her/him!!!
simpleme_force
simpleme_force
Mega member
Mega member

Mig33 ID : simpleme_force,abigail8_rn
Location : riyadh KSA
Mood : para sa mga amang OFW Caring10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

para sa mga amang OFW Empty Re: para sa mga amang OFW

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum