FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.

Join the forum, it's quick and easy

FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.
FORCE Mig33 Community
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Sulat ni tatay at nanay

+5
fabil0sa_force
pegasus202
papa_cologne
nices
jei_gv2008
9 posters

Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Sulat ni tatay at nanay

Post by jei_gv2008 Thu Oct 09, 2008 9:30 am

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Hope aral sa atin ito mga kapatid....GOD BLEZ SA INYONG LHAT
jei_gv2008
jei_gv2008
Hyper member l
Hyper member l

Mig33 ID : jei_gv2008
Location : D BAY downtown
Mood : Sulat ni tatay at nanay Th_lov10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by nices Fri Oct 10, 2008 11:43 pm

wow nice story to our parents..... we are all not the same!!! some of us kinahihiya nila ang parents nila, hope matauhan naman sila kasi kong wala ang parents natin wala tau sa mundong ginagawan natin ngayon. thank for sharing cz... ilove you mama and papa
nices
nices
Moderator
Moderator

Mig33 ID : nice_airbil_force
Location : brunei, davao city, philipines

Character sheet
Skill: Chatter

http://www.38102699.com

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by papa_cologne Fri Oct 31, 2008 5:39 am

damn!!! naalala ko bigla nanay ko... nag away pa kmi bago ako umalis ng pinas... miss ko na tlaga nanay at tatay ko... makakabawi na rin ako sa knila pag uwi ko
papa_cologne
papa_cologne
SoftLoader
SoftLoader

Mig33 ID : papa_cologne®™
Location : al-kharj,ksa
Mood : Sulat ni tatay at nanay Th_kil10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by pegasus202 Sat Nov 01, 2008 12:45 pm

wow touch story...pagdating ng araw magiging mgulang din tyo tatanda gaya ng mga magulang ntin...ang hirap ng malayo sa mgulang nkkmiss talaga....
-----------------------------------------------------------------------------------------------


pegasus202
pegasus202
VIP Member
VIP Member

Mig33 ID : prince.william_force, pegasus202 p-e-g-a-s-u-s-2-0-2
Location : canada
Mood : Sulat ni tatay at nanay Whoo10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by fabil0sa_force Sun Nov 02, 2008 12:41 pm

w0w aman. . .Pg dating tlga sa magulang nka2pg t0uch ng heart.Im lucky pla xe ksma q parents q den kau hwlay.,tpx patawai p aq. . .Haiz. . . .Tnx f0r sharing.
fabil0sa_force
fabil0sa_force
Hyper member lll
Hyper member lll

Mig33 ID : t3quila._o8 ' mitik0l0sa.-o2 ' fabil0sa._o8 ' chiqa-.-b0nita .
Location : Jeddah K.S.A

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by purple_gie Sun Nov 02, 2008 1:40 pm

Sadyang minsan d best people n d world ang nane neglect natin!
Kea kyo na my mga magulang pa share some of your tyms 2 dem!
Kpag magulang na tyo mauunawaan natin ang lahat!
Thanks 4 sharing cz,
God bless u more!
purple_gie
purple_gie
Mega member VIP
Mega member VIP

Mig33 ID : dwight_lotus_force
Location : Netanya,Israel

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by jei_gv2008 Thu Nov 06, 2008 2:11 pm

habang buhay pa ang ating mga magulang we need 2 spend time para sa kanila not only pag wala na cla,life is short,mararanasan din natin ang mga nararansan ng atin mga magulang pagtanda natin,lalo na tayong nr2 sa ibang bansa,hirap malayo sa mga mahal natin sa buhay,i miz my mom at di ko cya nkita ng 6 years,mas lalo ko pa cyang di mkkita at myyakap kc wla na cya.. kya mga bro.and cz love and spend time sa inyong mga magulang kc iisa lng ang magulang d2 sa mundo

god blez us
jei_gv2008
jei_gv2008
Hyper member l
Hyper member l

Mig33 ID : jei_gv2008
Location : D BAY downtown
Mood : Sulat ni tatay at nanay Th_lov10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by bhebz_08_force Mon Jan 05, 2009 9:44 am

thnkz for sharing cz
bhebz_08_force
bhebz_08_force
Senior member l
Senior member l

Mig33 ID : bhez_08_force,Te_jriel
Location : israel
Mood : Sulat ni tatay at nanay Th_lov10

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by israel_girl_force Mon Jan 05, 2009 11:15 pm

Lalo kng namis ang nanay ko, lalo na ngaun na mag isa lng cya house marami na cya nararamdaman sa katawan gabayan b cya ng ating mahal na panginoon at sa akng pag uwi ay magkasama kaming muli kaya mga kapatid mahalin po natin ang ating mga magulang thanks 4 the sharing crying in tears crying in tears
israel_girl_force
israel_girl_force
Hyper member lll
Hyper member lll

Mig33 ID : Israel_girl
Location : Keryat ono, tel-aviv
Mood : Sulat ni tatay at nanay Th_lov10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by jhanna Tue Jan 06, 2009 7:32 am

oh my god.suddenly i noticed my tears is falling down na pla.nkakatouch ang story,naalala ko tuloy ang nanay at tatay ko matagal na kaming hindi ngkta,ang hirap maging malayo sa kanila.kya cz and bro bigay ntin best pra sa parents ntin.
tnx for sharing .
jhanna
jhanna
Mega member
Mega member

Mig33 ID : jhanna_mikaela08,s3xy._.j4nn4
Location : jeddah,ksa
Mood : Sulat ni tatay at nanay Th_lov10

Back to top Go down

Sulat ni tatay at nanay Empty Re: Sulat ni tatay at nanay

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum