FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.

Join the forum, it's quick and easy

FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.
FORCE Mig33 Community
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

revise version of "ang mga babae nga naman"

3 posters

Go down

revise version of "ang mga babae nga naman" Empty revise version of "ang mga babae nga naman"

Post by lady_lans Sat Jul 24, 2010 9:49 pm

*GIRLS TALK*
(nagreretouch ng face powder si girl1)
(tingin sa left face in mirror,..... tingin sa right face,..... powder ulit)
Girl1: musta na kayo ng bf mo sis?
Girl2: (hinga ng malalim) haaaaay..... hindi ko alam sis kong maninwala pa rin ako sa kanya....
Kung ipagpapatuloy ko ba? O kung gigive up na ako sa kanya..
Girl1 (naglalagay ng lipstick)
Girl2: sabi naman nya mahal nya ako......(taas kilay si girl1)
Pero huling huli ko ang mga txt msg ng ex gf nya sis...at kung sino sino pang mga katxt.......
Sabi nya mga unknown numbers daw un di daw nya nirereply... 
Girl1: ah basta ako sis, iiiiiiiiiiiii believed!!! Man is realy realy POLYGAMOUS by nature... hmmph!
Maniwala ka sa kanila...
Tingnan mo ha, ikaw nagdududa kang nagttxt pa rin cla ng ex nya.
Ako naman,,,, gusto ng ex kung makipagbalikan sa akin dahil hindi daw nya mahal ang gf nya
Nagsisisi daw sya sa nagawa nya sakin...(tingin ulit sa mirror at nag aapply ng eye shadow)
Girl2: bakit sila ganun sis?
Sa una lang sila nag eefort.....
Pabigay bigay ng flowers.............. nang kung anu-ano.... ililibre ang barkada mapasagot lang nila
Tayo.... lahat ng effort gagawin nila kiligin ka lang... May pahatihatid pa silang nalalaman...wala
Silang palalampasing diskarte mapasagot ka lang... At eto ha “HINDI NATIN HINIHINGI ANG MGA
BAGAY NA YON NUH” kusa naman nilang ginagawa yun makuha lang ang matamis nating “OO”.
Pero anu? Pag tumagal na kayo, wala na...Asan na yung flowers? Asan na yung mga diskarte na
Nagiging dahilan tuloy ng taghiyawat sa ilong kasi di ka nakatulog sa kilig.....(nagsusuklay)
Minsan naisip ko sis, uto-uto din tayong mga girls nuh?
Girl1: (tawa ng malakas habang nagbblush on sa pisngi)
Hindi tayo uto-uto sis, sinasadya nating magpauto kasi mahal natin sila.
Alam mo naman ang girls sis weakness ang mga kasweetan chuva eklavos ever...hehehe.. Smile
Girl2: may pakuha kuha pa sya ng schedule ko... nung una mabilis pa sya sa kidlat kung dumating bago
Ang oras ng uwian para ihatid ako sa bahay....pero ngayon, laging late...o kya naman magttext ng kung anu anung rason kung bakit hindi nya ako masusundo....

Girl1: hala sis kabahan ka... baka may iba na syang sinusundo? Hahaha joooke  (pero sa likod ng isp, duhhh.. malay mo true...di naman imposible un)

Girl2: noon sis ma late lang ang reply ko, niloloadan na ako ng 30. Samantalang ngayon hingi ako ng pasaload na P5 avaaah eh dos lang ibibigay? (sabay tawanan ang dalawa) eh hindi naman ako doon sa amount sis nuh. My gosh i can afford naman to load my own.. nakakainis lang yung changes.. From being so pa impress down to being so Mr.Alibi ngayon.. eh daig pa nila ang atty. Kung maka palusot ngayon...
Lagi na lang “baby sorry,nagbasketball ako kanina eh nasa kasama ko ang cp ko,nakikitxt”...or “baby,sorry nalowbat ako.now lang nkacharge.” “baby sory busy ako,kesyo ganito ganyan,blah blah..
Girl1: pero ang pinaka nakakainis pag eto ang reply nya sis
SMARTalert:
09061435254 is requesting for u
To pasaload P5.
0 kya namannn.........”baby last reply ko na to ha.pa expire na unli ko..love u, mmwah”

Girl2; samantalang nuong nanliligaw pa eh napapatext pang nasa tindahan sya kc bibili ng load dahil paexpire Mamaya.....

Girl1: hay naku sistah korek ka jan.. (habang nagsusuklay na)
At eto pa ha, pati kaartehan natin pinagdidiskitchahan pa...kesyo bakit daw nagpapaganda eh may bf na tayo...ang lagay ba naman eh nagpapaganda lang tayo para magka boyfriend? Bobolahin ka pang “wag ka na mag paganda dahil ikaw lang piiiiiiiinaka maganda sa akin”... pero WAG ka sis, nagsasalubong kilay ko pag may napapadaang maganda at sexy... sino ba naman ang di maiinsecure? Eh kasama mo nga bf mo pero lumilipad ang mata sa dumadaang nka mini skirt...tapos sasabihing maarte tayo? At Kasalanan pa nating selosa daw tayo?

Ang magaling kong ex,babalikan ako ng ganung ganun lan? Di ba nya alam kung ilang balde iniyak ko ng malamang naka disgrasya ng iba? At anuh? Sasabihing natukso?na okay lang kc lalaki xya? Ganun lang ba yun? Na ang lalaki kaibigan ng tukso?
Girl2: ohh chilaxxxxx.. ang beauty mo sis...magkakarinkles ka nyan sige ka...hahahah 
Girl1: (ngingiti sa mirror)
Come to think of it sis, saan ba doon tama ang mga lalaki? Sige, forgivable na natukso sya.. duguan ang heart ko when i say break na kami.....pero diba masakit din duon sa 3rd party involved? Na dahil natukso sya kaya pananagutan nya?
If and only if, sasabihin nya dun sa girl bago mangyari ang di dapat ey “gagawin natin to pero may gf ako ha...at mahal ko yun.” Anak ng tinapa...simpre eto ang sasabihin “ mahal naman natin ang isat isa diba?”
Oh isipin mo nga sis ko...sino ba ang niloko nya? Ako? Dahil tumikim sya ng ibang putahe? O yung girl ang niloko nya dahil ako ang mahal nya?
Sige nga sagutin nyo yan..kahit saang anggulo tingnan manloloko pa rin sya sa situation na yan...
Sapat na bang alibi na natural lang dahil lalaki sila?

Girl2: oo nga sis, ewan ko.. ang gulo sis...katulad ngayon.. di ko alam kung mahal pa rin nya ex nya o kung maniniwala akong mahal nya ako...
Girl1: talagang magulo sila sis,, basta ako? Di na ako magpapauto sa love love na yan...! period...

_END_

NOTE: ito po ay ibinase ko sa mga pangyayaring napagdaanan ng mga kaibigan at kakilala ko,,, gusto ko lang linawin na wala akong intention na lahatin ang mga lalaki dahil hindi nga po lahat ay parepareho... subalit ndi po eto nalalayo sa katotohanan.. ipagpatawad nyo po kung tinamaan kayo...naingganyo lang akong isulat eto o mas tamang sabihing irevive ang isang artikulong nabasa ko na ganitong ganito din ang tema *usapang lalaki tungkol sa mga babae* ndi ako nasaktan, natuwa ako dun sa akda kya naingganyo akong sumulat din ng usapang babae tungkol sa mga lalaki... hindi po lahat ng lalaki ay manloloko at gayun din po kaming mga babae... wag natin lahatin ang mga lalaki dahil lang nasktan tayo sa unang minahal natin.. nagkataon lang na nagkamali tayo ng unang pinili upang mag bigay aral sa atin...at ikaw na nasaktan nuon at Masaya na ngayon sa bago mong mahal, hindi bat dapat mong ipagpasalamat na kung hindi ka nya sinaktan ay hindi mo makikila yang taong mahal mo ngayon?na syang nararapat para sayo... lahat ng nangyayari ay may dahilan..hindi sapat na dahilang nasktan ka kaya takot ka ng magmahal..walang taong nagmahal na hindi nasaktan... 
lady_lans
lady_lans
Regular ll
Regular ll

Mig33 ID : lady_lans
Location : philippines

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

revise version of "ang mga babae nga naman" Empty Re: revise version of "ang mga babae nga naman"

Post by pr3ty87_force Mon Jul 26, 2010 9:19 pm

nice 0ne cz lady ang ganda thanks f0r sharing....oi mga boyss anung say nyo??? Razz
pr3ty87_force
pr3ty87_force
Mega member
Mega member

Mig33 ID : pr3ty_woman_87
Location : Riyadh olaya exit 10
Mood : revise version of "ang mga babae nga naman" Whoo10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

revise version of "ang mga babae nga naman" Empty Re: revise version of "ang mga babae nga naman"

Post by lady_lans Mon Jul 26, 2010 11:52 pm

pr3ty87_force wrote: nice 0ne cz lady ang ganda thanks f0r sharing....oi mga boyss anung say nyo??? Razz

thanx sis pR3TY qoh Smile
lady_lans
lady_lans
Regular ll
Regular ll

Mig33 ID : lady_lans
Location : philippines

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

revise version of "ang mga babae nga naman" Empty Re: revise version of "ang mga babae nga naman"

Post by hondyx014_force Tue Jul 27, 2010 12:47 am

Go go go ! mga gurls revise version of "ang mga babae nga naman" 392835 .Asan naba mga boys sagot kayo jan. Cz thanks for sharing.
hondyx014_force
hondyx014_force
Mega member VIP
Mega member VIP

Mig33 ID : aryanne_4ever,swity_babe
Location : k.s.a
Mood : revise version of "ang mga babae nga naman" Th_sle10

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

revise version of "ang mga babae nga naman" Empty Re: revise version of "ang mga babae nga naman"

Post by lady_lans Thu Jul 29, 2010 8:47 pm

hondyx014_force wrote:Go go go ! mga gurls revise version of "ang mga babae nga naman" 392835 .Asan naba mga boys sagot kayo jan. Cz thanks for sharing.

ur welcome cz hondy.. thanks din..Smile mmwwaahhh sa inyo
lady_lans
lady_lans
Regular ll
Regular ll

Mig33 ID : lady_lans
Location : philippines

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

revise version of "ang mga babae nga naman" Empty Re: revise version of "ang mga babae nga naman"

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum