Ginintuang Aral
3 posters
Page 1 of 1
Ginintuang Aral
Sa isang tahimik na lugar sa Bulakan, may isang pamilya na may isang anak na lalaki. Dahil mahal ng mag-asawa ang tatay ng lalaki, ay isinama nila ito sa kanilang bahay dahil nag-iisa na lang ang matanda.
Noong una, maligayang nakakatulong sa mag-asawa ang matanda, at masaya din na nakakalaro ng bata ang kanyang lolo. Halos araw-araw ay masayang masaya sila. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at madalas ng nagkakaroon ng sakit ang matandang lalaki, dahil ditto hindi na napapakinabangan ang matanda, nagging pakainin na lang siya. Dahil sa kanyang karamdamanay madalas ng natutumba ang matanda at madalas nakakabasag ng mga kagamitan. Sa tuwing kumakain ang matanda ay nakakabasag ng pingan dahil nga nanginginig ang kanyang katawan. Gusto man tulungan ng bata ang kanyang lolo hindi niya magawa dahil nga sa kanyang kabataan. Halos araw-araw ay pumapasok ang lalaki, at nagtitinda naman ng mga kakanin ang babae, sa buwisit ng mag-asawa, dahil sa palaging nababasag ang kanilang pingan, pinagawan nila ng kahoy na pingan ang matanda, na animo’y aso.
Ang pingan nga naman na gawa sa kahoy ay hindi nababasag. Kitang kita ng bata ang ginawa nila sa matanda. Hanggang sa nagtagal ang ganong ugali. Naawa ang bata sa kanyang lolo, hindi nagtagal ay namatay ang matanda, halos lahat ng gamit ng matanda ay isinama nila sa libingan. At doon na nagkaroon ng isip ang bata, marunong na siyang magtanong, hindi pa nawawala sa isip niya ang kanyang lolo. Isang araw, nagtungo sa silong ng bahay ang bata at kumuha ng magandang uri ng kahoy. Nang Makita siya ng kanyang ama ay kaagad nilapitan at tinanong, “Ano ang ginagawa mo?” tumingin ang bata sa ama at sinabing, “Gumagawa po ako ng pingan na gawa sa kahoy. Upang sa inyong pagtanda ni nanay ay mapagkalooban ko rin kayo ng ganitong kainan.”
Natauhan ang mag-asawa, niyakap nila ang kanilang anak, at nagsisi na sila sa kanilang ginawa.

cesky_efx- Flash member ll
- Mig33 ID : cesky_efx
Location : Philippines
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Ginintuang Aral
UHMMMMMMM GALING NAMAN....
cuttee- Mega member VIP
- Mig33 ID : cuttee/cuttee_gurl_force/bebe-danda-21/pretty_bench24
Location : NETANYA,ISRAEL
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Ginintuang Aral
nice poem kafagod bASAHN
heavensangel_force- Mega member VIP
- Mig33 ID : heavensangel_force, anji_q8,
Location : kuwait,Gensan city
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum