Ang Buhay...
3 posters
Page 1 of 1
Ang Buhay...
Masaya ...
Ang mga kaibigang mga payaso…
Nagmimithi ng mga ngiti…
Higit pa sa pinaka-nakakatawang komedya…
Higit pa sa kayang ibanat ng mga labi…
Masarap ...
Linamnam ng bawat paglunok…
Sa mga malasang karanasan…
Kailan ma’y hindi malilimutan…
Madaya ...
May malakas at mahina,
Mahirap at mayaman
Ang lugar na para sa atin,
Sobrang mahirap abutin…
Tamad …
Tinutulugan lang ang ating mga katanungan…
Hindi pinapansin ang mga naguguluhang isipan…
At ang kanyang mga kasagutan,
Hindi mo kusang malalaman…
Uhaw …
Sa tubig ng pagkapukaw,
Sa mga kasagutang malinaw,
Sa dugo ng mga halimaw,
Handa siyang magpaapaw…
Mapaglaro …
Ang di mawaring pagbugso ng mga panahon,
Ang pag-lubog at pag-ahon,
Sa bawat galaw ng mga kasali,
Naglilibang lamang sa sarili…
Magaspang …
Hindi maaaring magpadalos-dalos,
Hindi pwedeng basta na lamang magpa-agos,
Dahil sa bawat pagkakataong ikaw’y madudulas,
May katumbas itong mga gasgas…
Malungkot …
Ang hinagpis sa mga nasasaksihang pagpanaw…
Ang mga pagluha…
Ang pagdadalamhati…
Hindi mapipili…
Mapanganib …
Lalo’t manhid ka sa pag-ikot,
Bulag sa katotohanan,
O kaya’y sobrang nasilaw sa mga pekeng kinang
At mga kulay…
Multo …
Tinatakot tayo minsan…
Kabang di maiiwasan
Sa bahagyang pagpapakita at paglisan…
Mahiwaga …
Ang bawat pagtibok at paghinga.,
Ang bawat pag-galaw,
Sa bawat yugto nito,
hindi kayang ipaliwanag ang lahat ng bagay…
Isang panaginip lang …
Imahinasyon ng tulog na kamalayan,
Na sa bawat pag-igtad,
Nagmimistulang realidad…
Hiram lang...
Isisilang ka’t magiging bata
Hanggang sa ikaw ay tumanda
Ang iyong pinaka-iingatan at inalagaan
Tutungo rin sa huling hantungan....
Ang mga kaibigang mga payaso…
Nagmimithi ng mga ngiti…
Higit pa sa pinaka-nakakatawang komedya…
Higit pa sa kayang ibanat ng mga labi…
Masarap ...
Linamnam ng bawat paglunok…
Sa mga malasang karanasan…
Kailan ma’y hindi malilimutan…
Madaya ...
May malakas at mahina,
Mahirap at mayaman
Ang lugar na para sa atin,
Sobrang mahirap abutin…
Tamad …
Tinutulugan lang ang ating mga katanungan…
Hindi pinapansin ang mga naguguluhang isipan…
At ang kanyang mga kasagutan,
Hindi mo kusang malalaman…
Uhaw …
Sa tubig ng pagkapukaw,
Sa mga kasagutang malinaw,
Sa dugo ng mga halimaw,
Handa siyang magpaapaw…
Mapaglaro …
Ang di mawaring pagbugso ng mga panahon,
Ang pag-lubog at pag-ahon,
Sa bawat galaw ng mga kasali,
Naglilibang lamang sa sarili…
Magaspang …
Hindi maaaring magpadalos-dalos,
Hindi pwedeng basta na lamang magpa-agos,
Dahil sa bawat pagkakataong ikaw’y madudulas,
May katumbas itong mga gasgas…
Malungkot …
Ang hinagpis sa mga nasasaksihang pagpanaw…
Ang mga pagluha…
Ang pagdadalamhati…
Hindi mapipili…
Mapanganib …
Lalo’t manhid ka sa pag-ikot,
Bulag sa katotohanan,
O kaya’y sobrang nasilaw sa mga pekeng kinang
At mga kulay…
Multo …
Tinatakot tayo minsan…
Kabang di maiiwasan
Sa bahagyang pagpapakita at paglisan…
Mahiwaga …
Ang bawat pagtibok at paghinga.,
Ang bawat pag-galaw,
Sa bawat yugto nito,
hindi kayang ipaliwanag ang lahat ng bagay…
Isang panaginip lang …
Imahinasyon ng tulog na kamalayan,
Na sa bawat pag-igtad,
Nagmimistulang realidad…
Hiram lang...
Isisilang ka’t magiging bata
Hanggang sa ikaw ay tumanda
Ang iyong pinaka-iingatan at inalagaan
Tutungo rin sa huling hantungan....
cesky_efx- Flash member ll
- Mig33 ID : cesky_efx
Location : Philippines
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Ang Buhay...
Ang kahulugan ng buhay mahiwaga thanx for sharing
heavensangel_force- Mega member VIP
- Mig33 ID : heavensangel_force, anji_q8,
Location : kuwait,Gensan city
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Ang Buhay...
WOW...TENKYU FOR SHARING....
cuttee- Mega member VIP
- Mig33 ID : cuttee/cuttee_gurl_force/bebe-danda-21/pretty_bench24
Location : NETANYA,ISRAEL
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum