Para sa lahat ng may magulang !!
+5
sh3ena_ros3_force
mistah
rx_force
nices
pegasus202
9 posters
Page 1 of 1
Para sa lahat ng may magulang !!
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at
hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!"
paki-ulit nalang ang sabihin mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit
at paulit ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo,paulit- ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinatyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo,
kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal
mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay at
bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

pegasus202- VIP Member
- Mig33 ID : prince.william_force, pegasus202 p-e-g-a-s-u-s-2-0-2
Location : canada
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
wow nice naman ng tula bro pega.... sa mga magualang ko mahal na mahal ko kayo!!!
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
thank's cz nices...
kung hindi sating mga magulang wala tyo...
utang natin sa kanila ang ating buhay...
kaya sa kanilang pag tanda dapat nating silang intindihin...
dahil balang araw tatanda rin tyo tulad nila...
kung hindi sating mga magulang wala tyo...
utang natin sa kanila ang ating buhay...
kaya sa kanilang pag tanda dapat nating silang intindihin...
dahil balang araw tatanda rin tyo tulad nila...
pegasus202- VIP Member
- Mig33 ID : prince.william_force, pegasus202 p-e-g-a-s-u-s-2-0-2
Location : canada
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
tama ka bro pega.... dapat igalang at intindihin natin sila dahil silay matanda na.... pasensiya natin paghabaan para walang masaktan!!!!
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
ang ganda ng poem mo bro pega...tama kau ni cz nice...dapat wag nating makalimutan ang mga magulang natin... na kung di dahil s kanila wala tayo sa kinarorounan natin ngayon...
rx_force- Mega Member Elite
- Mig33 ID : pido12
Location : Philippines/KSA
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
oo cz rx, dapat talaga igalang natin ang ating mga magulang... dapat nga habang silay nabubuhay pa iparamdam natin na silay mahal natin.... to say i love you papa and i love you mama, i love you daddy and i live you mommy, i love you tatay and i love you nanay.....we know na masaya sila pagnaparamdam natin sa kanila na mahal natin sila!!!! :*
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
MISTAH as MINDANAO FORCE
d.angel.mistah_force
bro it is very nice poem
basta sa mga magagandang words na may kinalaman sa mga magulang talagang kahit saan ko mababasa yan hindi ko yan palalampasin talagang ibibigay ko ang boung pagpugay bro maganda talaga salamat.

thnx bro pega...it's a very nice peom....mama @ papa l0ve u very much poh @ thnx 4 everything..mwuaahhh
sh3ena_ros3_force- Mega member
- Mig33 ID : sofie_mae , absolute_beauty , sh3ena_ros3_force
Location : israel
Mood :
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
nice poem bro.thank u 4 sharing...sa mga mgulang q.mahal n mhal q po kau.
sn0w_queen529_force- Hyper member lll
- Mig33 ID : snOw_queen529_force,pr3tty-_-y4ng-y4ng,st4rl3t.girl.143,disn3y_princ3ss.999
Location : singapore
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
kakaiyak naman yan bro, dapat lang naman dba gawin natin lahat para sa ating mga magulang habang sila ay nasa piling pa natin, hihintayin pa ba nating mawala sla bago natin sla pahalagahan.
kembot_force- Senior member ll
- Mig33 ID : kembot.beauty, killer.smile23, kembot-_-23
Location : Saudi Arabia(riyadh)
Mood :
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
thanks for sharing bro pega..
erly_force- Mega Member Elite
- Mig33 ID : erlyhernandez
Location : israel
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
Thanks a lot bro pega 4 sharing!
Unluckily wla na q parents pro nanay na q at dmang dama q ang kawalan nila!
Kya kyo mga pinagpalang my mgulang pa love your parents as much as you can !do d best 4 dem!
God bless us all!
Unluckily wla na q parents pro nanay na q at dmang dama q ang kawalan nila!
Kya kyo mga pinagpalang my mgulang pa love your parents as much as you can !do d best 4 dem!
God bless us all!
purple_gie- Mega member VIP
- Mig33 ID : dwight_lotus_force
Location : Netanya,Israel
Character sheet
Skill: Chatter
Re: Para sa lahat ng may magulang !!
thank u bro pega..nkakatouch..
sn0w_queen529_force- Hyper member lll
- Mig33 ID : snOw_queen529_force,pr3tty-_-y4ng-y4ng,st4rl3t.girl.143,disn3y_princ3ss.999
Location : singapore
Mood :
Character sheet
Skill: Chatter
Similar topics
» pasko para sa lahat...
» Fallin (para sa lahat na iinlove)
» Valentine Friend (para s lahat ng kaibigan k)
» Forever friends (para sa lahat ng ka force)
» Payo ng mga magulang ( ng kapitbahay ko )
» Fallin (para sa lahat na iinlove)
» Valentine Friend (para s lahat ng kaibigan k)
» Forever friends (para sa lahat ng ka force)
» Payo ng mga magulang ( ng kapitbahay ko )
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum