FORCE Mig33 Community
Hello, welcome to FORCE community. Feel at home... and enjoy.

Do not forget to read forum rules.

UGALI'T PAGKATO NG KAPAREHA

View previous topic View next topic Go down

UGALI'T PAGKATO NG KAPAREHA

Post by jasse_20_force on Wed Sep 15, 2010 4:20 pm

Isa sa pinakamahalagang bagay para sa isang masaya,matatag at mabungang pagsasama ang malal
im na pagkakakilla ng magkapareha sa isa't isa.
Silang datkawa ang magsasam at magiging pundasyon ng isang relasyon na eventually magtatag ng pamilya kaya malaking bagay ang lubos na pagkaunawa sa tunay na ugali't pagkato ng kapareha.
Ang relasyon ng dalawang tao ay maihahalintulad sa dalawang lumilipad na eroplano.
Kailangan kapwa bukas ang komunikasyon at nagkakaunawaan sa bawat kilos.kailangang sabay sa bawat dagdag o bawat bilis,ng lebel ng pgakyat o pagbajba ng bawat degrees ng illiko,maging sa kargang gasolina para sabay at parehong aabot sa destinasyon
Kapag nagkaroon ng bahagyang pgkakaiba,magkakaroon ng malaking problema kung hindi mabbgyan ng karampatang pagtatama.Halimbawang umiba ng direksyon ang isa,kahit sabihin pang isang degree,magiging malayo na sila sa isa't isa pgakaraan ng sampung milya at mahirap ng ibalik sa orihinal na kurso.Ganyan ang pagsasama.
Isa sa dahilan ng mga problema sa relasyon ang di pagkkaunawaan ng magkapareha.
Sabihin nang kakilala ang asawa,gaano tayo nakakasiguro na kilalang killa siya para maunawaan jng mga dahilan kung bakit niya nagagawa ang isang bagay.
Bawat isa ay may damdaming nananaig sa pagkatao.Bawat isa' y may motibasyon na nagpapakilos.Bawat isa'y may ugali't karakter na umiiral.Bawat isa'y may sayad.Bawat isa'y may pangarap.Bawat isa'y may kinatatakutan.bawat isa'isa'y may lebel ng pagiisip..Bawat isa'y may kani kanya ng kung anu-ano na kinakailangang malaman at maunawaan ng kapareha para na rin sa kanilang pagsasama.
Huwag tayong maging mabilis sa paghusga.Huwag tayong mging mablis sa galit.Huwag tayong magpadalos-dalos ng pananalita.Huwag nating itrato na parang ibang tao ang kapareha.Bigyan nating ng puwang sa pangunawa ang kapareha.Bigyan natin ng higit na puwang sa pang-unawa ang kapareha.Gumugol tayo ng panahon sa pakikinig at tumi ngin tayo nang mas malalim sa tunay niyang katauhan.
Sa pagkakilala sa kapareha nabubuksan ang pinto ng unawa.Sa pagkakaunawaan nabibigyan tayo ng karunungan.Sa karunungan nagkakaroon tayo ng kapanatagan ng kalooban.Sa kapanatagan ng kalooban nagkakaroon ng kaligayahan ang tao.
Ikaw ang iyong kapareha.gayundin siya ay ikaw.Nabubuhay kayong parang isang nilalang.Sa usapang matino,walang taong masaya't matagumpay na hindi kilala ang sarili. flower kick comfort me
avatar
jasse_20_force
Mega member
Mega member

Mig33 ID : jasse_20
Location : hongkong
Mood :

Character sheet
Skill: Chatter

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum